Puno
By: ERNESTO G. SENGA, JR.
Puno…
Bunga ang aking katawan
Kailangan ako ng tao
Kailangan ako ng hayop
Tagasipsip ng tubig
Tagasalok ng carbon dioxide
Ngunit sobra ang gamit sa puno
Inaabuso lahat ng puno
Kawawang puno?
Sino ang liligtas sa mga tao
Hindi natin pinapahalaga ang mga puno
Laging pinuputol ang puno
Madalas naman tayo binabaha
Paano kung ito’y mawala sa mundo?
Paano na tayo?
ngayon pa lamang
Magtanim ng puno
Huwag abusuhin at huwag ubusin
Susunod na henerasyon
Makinabangan ng iba.