Lakandula Makisig Blog! controbersyal na blog sa balat ng lupa. (ernestparker)











{Febbraio 6, 2008}   Ang Estudyante

Siya’y mabait na estudyante

masipag at masunuring bata

lahat ng tungkulin bilang estudyante

kanyang ginagawa ng walang pasubali.

Ang estudyante ay siyang pagasa ng bayan

siya ang susunod na mamumuno ng bansa

para sa ikauunlad na henerasyon,siya’y mamamayagpag

Ang mabuting estudyante ay hindi nagbibisyo

dapat siya’y mag-aral nang mabuti

ngunit kung siya’y hindi mabuting estudyante

nagugumon sa sugal at iba pang mga bisyo

Paano ang ating bayan

kung walang mga huwarang estudyante

na magtuturo ng kabutihan, sa kapwat bayan

kawawa ang ating bayan

Hangga’t maaga pa lamang

turuan ng kagandahang asal ,mga estudyante

upang sa bandang huli sila’y magsisi

maunawaan ang tama at mali

Dapat ang isang estudyante

maging  isang huwaran sa kanyang kapwa

piliting iwaksi ang bisyo,alang alang sa bayan

upang ang bawat estudyante’y maging pagasa ng bayan



{Febbraio 6, 2008}   Unang beses

Unang beses….

Lahat ng tao ay may unang beses sa karanasan

Unang beses na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

Unang beses nagkaroon ng anak

Unang beses nagtanggap ng pera sa taong bayan

Unang beses nasaktan ng husto

Unang beses naligaw sa kanyang pinupuntahan

Unang beses nagkaroon ng kaibigan

Unang beses manalo at matalo sa election

Lahat ng nanyari sa;tin pandalian lamang

Paano kung ang unang beses ay hindi mo makalimutan

Makakalimot ka pa ba?

Ngayon pa lamang

Pagt –dumating sa buhay mo

Iwasan at kalimutan ang problema mo

Gumawa ng ibang bagay

At ituon sa iyong ginagawa



{Febbraio 6, 2008}   joke

anong hayop may gustong carrot, eh! di BUGGNY.



{Febbraio 6, 2008}   Ang pasaway

May isang pasaway na mamamayan

Isang salot at walang silbi sa bayan.

Lahat ng batas, kanyang sinasaway

Katiwasayan ng bayan, kanyang sinisira.

 

Ang isang mabuting tao

Ay hindi lumalabag sa batas

Ngunit ang isang pasaway

Ay makapgdudulot ng gulo sa bayan.

 

Paano na ang ating bayan

Kung lahat ng kanyang mamamayan

Ay puro pasaway?

Hindi natin makakamit, minimithing kapayapaan.

 

Ang bayan ay hindi uunlad

Kung ang lahat ay pasaway

At walang pagkakaisa

Masisira, ating reputasyon

Kung hindi tayo magbabagong-buhay.

by: ernesto senga



{Febbraio 6, 2008}   tangang bayan

Inaangkin ng dayuhan ang ating bansa

Dahil sa pagkakaibigan ‘tin sa kanila 

Tangang bayan…

Hindi kayo nag-iisip

Sunod-sunuran parang aso. 

Unting-unti nahuhulog Sa mabahong putik ang ating bansa 

Tangang bayan…

Ginawawa tayo ng isang walang isip 

  Na mamamayananSamantala sila’y nag-didiwang

At pinagtatawanan an gating bansa 

Samantala tayo’y walang kaalam-alam

Sa pinag-gagawa ng dayuhan sa ‘tin 

Tangang bayan…

Hindi nag-iisip…

Kawawang bansang pilipinas

Walang pag-kakaisa laban sa mga dayuhan

Magkaroon ng tiwala sa sarili

Tumayo sa sariling paa

Gamitin na’tin ang sariling lingwahe

Kaysa sa ibang lingwahe ng iba

Para sa ikauunlad n gating bansa.



{Febbraio 6, 2008}   ang OFW

Ang aking ama ay isang OFW

Isang masipag na manggagawa

Ginagampanan niya bilang isang ama

Siya ang bumubuhay sa’min

Siya ang nagpapadala ng pera sa’min

At pang-gastos n gaming pamilya

Ngunit paano kung ang aking ama Ito’y bumigay, nagkasakit o iniwan kami.

 Paano na kami?

Saan kami pupulutin?

Maghhihirap ang aming pamilya?

Hindi na kami makakapag-aral?

Hindi na buo an gaming pamilya?

 Ang OFW ay may hangganan din

Sa una sagana sa maraming pera

 Sa banding huli kami ay maghihirap

Ngunit hindi namin alam kung may hangganan ba ito

Habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang aming ama.

Huwag hayaang sumobra ang aming gastos

Sa pangaraw-araw na pangpangangailangan

Mag-ipon ng pera at magsumikap magtrabaho

Upang kung sakaling ang hangganan ay dumating

Masaya pa ring mabuhay kasama ang boung pamilya



{Febbraio 6, 2008}   mag joke tayo

panis sa tito ko maraming baril.iisa ang bala



eccetera