{Aprile 24, 2008} Mandirigma
{Aprile 24, 2008} Ang buhay ng makata
Palagi kang iniinsulto’t pinagtatawanan
sa mga ginawa mong katha
Palagi kang minamaliit
sa mga bagay na kaya mo
Palagi kang iniiwasan at nilalayuan
dahil ikaw at isang makata,
isang naghihirap na nilalang.
Hindi nila alam ang buhay ng makata
dahil ang paghawak sa panitik kaakibat ay sumpa
ngunit ang makata ang siyang nagbibigay-kulay
sa buhay at kalinangan ng bawat isa.
Sayang lang,
dahil hindi nila alam
ang kahalagahan natin bilang
isang makata.