Lakandula Makisig Blog! controbersyal na blog sa balat ng lupa. (ernestparker)











{Aprile 24, 2008}   Mandirigma

Siya ay si lt. Enrique isang matapang sundalo

Kasing tigas ng kanyang puso

Sa pakikipaglaban

Sa digmaan

 

Kahit buhay niya ay kapalit

Alang-alang sa bayan

Ngunit isang iglap

Ito’y namatay

 

Ito’y isang tagapagtanggol

O sugo ng ating bansa

 

Paano na ang kanyang pamilya

Niyang naiwan sa mundong

Walang katiyakan

 

Tulad ng isang gamit na wala din katiyakan

Kung kailan ito masisira na ng husto

Ganyan din ang tao wala din katiyakan

Kung kailan ito mabubuhay

Ng matagal

 

Huli na ang lahat

Hindi na ito maiibalik

Sa ating mundo

Ang kanyang sarili

 

Isa sa mga bayani

Ng ating bansa

Ang mga

Sundalo.

 

by:

ernesto senga



{Aprile 24, 2008}   Ang buhay ng makata

Palagi kang iniinsulto’t pinagtatawanan

sa mga ginawa mong katha

 

 

Palagi kang minamaliit

sa mga bagay na kaya mo

 

 

Palagi kang iniiwasan at nilalayuan

dahil ikaw at isang makata,

isang naghihirap na nilalang.

 

Hindi nila alam ang buhay ng makata

dahil ang paghawak sa panitik kaakibat ay sumpa

ngunit ang makata ang siyang nagbibigay-kulay

sa buhay at kalinangan ng bawat isa.

 

Sayang lang,

dahil hindi nila alam

ang kahalagahan natin bilang

isang makata.

 

 

 

 

 



Umagang kay ganda

Sa aking paningin

Ang simo’y ng hangin

Nakakagaan ng pakiramdam

Ang sikat ng araw

Nagbibigay ng pag-asa sa’tin

At ang kapaligiran ay maaliwalas

 

 

Pagkatapos,

Natanaw ko ang aming palayan

Malinis at malago ang mga ito

Berdeng-berde ito parang isang prutas

Na masarap kainin ng husto

Ito ay hugis diamond o oblong na matulis

Mayaman din sa vitamina at carbohydrates

 

‘tapos kong tignan an gaming malagong palayan

Pumasok, at kinuha ko ang aking sombrero

Lumabas, nagsimula akong lumakad

Patungong sa aming palayan

 

Habang ako ay naglalakad

Nararamdaman ko ang

Paghampas sa’kin

Ng talahib ng palay

 

Bigla akong napahinto sa paglalakad

 

Natanaw,

Ang mga kasaman ko

Sa sakahan na nag-aani ng palay

Napatakbo at huli na pala ako

Kanina pa la sila nagsisimula

Sa pag-aani ng palay

 

Wala akong magawa  kundi kumilos agad

Dahil kung babagal-bagal ka 

Wala kang kita sa pag-aani ng palay

 

Ilang minutong lumipas,

Ang pag-aani ng palay ay tapos na

Kakaunti lamang bigas na inani namin

At inilagay ito sa sako

At ito ay ipagbibili sa mga consumer

Sa maynila at iba pang bahagi ng pilipinas

Ngunit ang aming ani ay kakaunti lamang

Sapagka’t ito pala araw ng pagdurusa natin

 Ang mga taniman ng palay

Napalitan ito ng patag

Ito ay tinatayuan ng

Mga malalaking gusali

O isang resort na napakalaki din

 

Ang mga magsasaka ay nagdurusa

At nahihirapan na ng husto

Ang dati’y malaking lupain na

Tinataniman ng mga palay

Ngayo’y  wala na

Paano na ang mga

Magsasaka ngayon,

Kung ang lupa

Para sa mga

Palay ay

Napalitan

Ng

Malalaking

Gusali o resort

Lamang

 

Isa pang prolema

Ng mga

Magsasaka

Mga peste

na dumadapo

Sa mga palay

na hindi

nagpapaalam sa

mga magsasaka

paano na?

 

 

naghihirapan at

nagdurusa?

 

Ang mga nakikinabang dito

 ay umaabuso na ng husto

bakit?????

Pag-aaksa natin ng kanin

At nanatatapon na

Hindi nauubos

Kung patuloy

Pa ito

Walang mangyayari

Sa atin

Magkukulang tayo sa bigas

At baka wala na tayong makain

 Sa susunod

 

Bukod sa pag-aaksaya natin

Pag-aabuso ng bigas katulad ng

Pinapalitan ito ng mamahalin na bigas

Galing sa mumurahing bigas na inani ng magsasaka

Kung patuloy pa ito walang magyayari sa atin

Huwag ninyo isipin ang inyong sarili

Dahil hindi lang kayo nabubuhay

Sa mundo

 

Ngayon pa lamang,

Magbago at magtipid

Upang sa banding huli,

‘di tayo’y magsisi

Upang sa susunod

Meron pa tayo magamit.

 

                                                                        ERNESTO SENGA JR.

 



{Novembre 29, 2007}   Ang puno

 

Puno

By: ERNESTO G. SENGA, JR.

 

Puno…

Bunga ang aking katawan

Kailangan ako ng tao

Kailangan ako ng hayop

Tagasipsip ng tubig

Tagasalok ng carbon dioxide

Ngunit sobra ang gamit sa puno

Inaabuso lahat ng puno

Kawawang puno?

Sino ang liligtas sa mga tao

Hindi natin pinapahalaga ang mga puno

Laging pinuputol ang puno

Madalas naman tayo binabaha

Paano kung ito’y mawala sa mundo?

Paano na tayo?

ngayon pa lamang

Magtanim ng puno

Huwag abusuhin at huwag ubusin

Susunod na henerasyon

Makinabangan ng iba.



{Novembre 29, 2007}   Nagpaparamdam

Nagpaparamdam

By: ERNESTO G. SENGA, JR.

  

Tuwing akoy nakatingin sa iyo

At nagpaparamdam

Ngunit hindi mo nahahalata

Kung bakit nakatingin ako sa iyo

Ay dahil may gustong sabihin

Ang aking puso

Ako ay lumalapit

Ngunit hindi mo ako pinapansin

Kapag may nais akong ibigay sa iyo

Hindi natutuloy dahil sa taglay kong hiya

Ang aking boses ay may gustong ipahiwatig sa iyo

Nagpaparinig, ngunit ikay dedma lamang

Umaawit, ngunit hindi mo ako pinapansin

Ngunit kahit mailap ka sa’kin

Kailanman hindi ako susuko



eccetera