Lakandula Makisig Blog! controbersyal na blog sa balat ng lupa. (ernestparker)











{Giugno 25, 2009}   CON-ASS p2

Mga mamamayan, dating matapang

huwag tayong matakot sa demonyong namumuno

hayaang ipahayag ang saloobin ng bayan

at nang pag-asa’y makamit na.

Tayong mga mamamayan ay pag-asa

ng lupaing marilag

iwasan o tanggihan ang CON-ASS

sama-sama hanggang sa matapos ang laban.

Kung hindi tayo kikilos agad

ang mga pulitiko ay magpapasasa

sa kapangyarihan at kayamanan

samantala tayo’y naghihirap at nagdudusa.

Huwag nating hayaang matuloy

ang minimithi ng namumuno

ipaglaban natin hanggang sa kahuli-hulihan ng ating hininga.

ITIGIL ANG CON-ASS

magsagawa ng malawakang protesta

pasukin ang kinalalagyan ng namumuno kung kinakailangan

at ipalit ang mabuting pulitiko

magtulungan tayo at magkaisa

upang sa ganuo’y ay hindi tayo magsisi

at wala nang pagdudusahan.

NGAYON NA!



{Giugno 10, 2009}   CON-ASS

ITIGIL  YAN!

MARAMING TAONG MAMAMATAY KUNG ITUTULOY ANG CON-ASS.

TUSO ANG MATAAS.

MAGKAROON NG MALAWAKANG RALLY UPANG IYAN AY MATIGIL.

MAGTULUNGAN TAYO MGA MAMAMAYAN.

PAGKAKAISA!

UPANG MAKAMIT ANG MINIMITHI NG BAWAT ISA.



{Giugno 15, 2008}   Ang Lider Ng Bayan.

Lider ng Bayanby Ernesto Senga

Ako’y isang mabuting lider.

Isang masipag na opisyal ng bansa.

Ako ang tagagawa ng batas na makabubuti

Sa bayan at sa mamamayan.

 

 

Ang mabuting lider ng isang bansa

Ay hindi nagsasamantala sa kapangyarihan.

Ngunit paano ang hindi mahuhusay na lider

Na gumagawa ng kurapsyon sa pamahalaan.

 

 

Dapat itong patalsikin sa puwesto

O hulihin, mga abusadong opisyal.

Pa’no na ang Pilipinas, kung kurapsyon

Ang mananatili sa isipan ng mga Pilipino.

 

 

Lulubog tuluyan ang Pilipinas,

Babagsak ang ating ekonomiya.

Kung tayo’y tulong-tulong sugpuin ang kurapsyon

Tayo’y magkakaisa at uunlad ang ‘ting bansa.

BY:

ERNESTO SENGA



eccetera