Bayani/ Mga Gustong Maging Bayani.
Bayani……….
Pinakadakilang na mamayanan
Kahit sino puwede maging bayani
Sa pamamagitan ng pagsulat
Sa pamamagitan ng paghihimagsik
Sa pamamagitan ng mabuting trabaho
Sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwat tao
Sa pamamagitan ng kabutihan sa tao
Lahat tayo puwadeng maging bayani
Guro, doctor, sundalo, pulis, nurse, ofw, teacher, writerMagsasaka, business man, nagtitinda at iba pa
Paano kung tayo’y maging isang bayani
Dahil sa ginawang mong kabutihan sa kapwa’t tao
Anong gagawin mo?
Ngayo pa lamang,
Gumawa ng ikabubuti sa kapwa
Maging huwaran ka sa lahat
Ingatan mo at ipagmalaki ang iyong sarili
Upang sa una at huli,tayo’y maging bayani.
by: ernesto senga
Siya ay si lt. Enrique isang matapang sundalo
Kasing tigas ng kanyang puso
Sa pakikipaglaban
Sa digmaan
Kahit buhay niya ay kapalit
Alang-alang sa bayan
Ngunit isang iglap
Ito’y namatay
Ito’y isang tagapagtanggol
O sugo ng ating bansa
Paano na ang kanyang pamilya
Niyang naiwan sa mundong
Walang katiyakan
Tulad ng isang gamit na wala din katiyakan
Kung kailan ito masisira na ng husto
Ganyan din ang tao wala din katiyakan
Kung kailan ito mabubuhay
Ng matagal
Huli na ang lahat
Hindi na ito maiibalik
Sa ating mundo
Ang kanyang sarili
Isa sa mga bayani
Ng ating bansa
Ang mga
Sundalo.
by:
ernesto senga
Siya’y mabait na estudyante
masipag at masunuring bata
lahat ng tungkulin bilang estudyante
kanyang ginagawa ng walang pasubali.
Ang estudyante ay siyang pagasa ng bayan
siya ang susunod na mamumuno ng bansa
para sa ikauunlad na henerasyon,siya’y mamamayagpag
Ang mabuting estudyante ay hindi nagbibisyo
dapat siya’y mag-aral nang mabuti
ngunit kung siya’y hindi mabuting estudyante
nagugumon sa sugal at iba pang mga bisyo
Paano ang ating bayan
kung walang mga huwarang estudyante
na magtuturo ng kabutihan, sa kapwat bayan
kawawa ang ating bayan
Hangga’t maaga pa lamang
turuan ng kagandahang asal ,mga estudyante
upang sa bandang huli sila’y magsisi
maunawaan ang tama at mali
Dapat ang isang estudyante
maging isang huwaran sa kanyang kapwa
piliting iwaksi ang bisyo,alang alang sa bayan
upang ang bawat estudyante’y maging pagasa ng bayan
May isang pasaway na mamamayan
Isang salot at walang silbi sa bayan.
Lahat ng batas, kanyang sinasaway
Katiwasayan ng bayan, kanyang sinisira.
Ang isang mabuting tao
Ay hindi lumalabag sa batas
Ngunit ang isang pasaway
Ay makapgdudulot ng gulo sa bayan.
Paano na ang ating bayan
Kung lahat ng kanyang mamamayan
Ay puro pasaway?
Hindi natin makakamit, minimithing kapayapaan.
Ang bayan ay hindi uunlad
Kung ang lahat ay pasaway
At walang pagkakaisa
Masisira, ating reputasyon
Kung hindi tayo magbabagong-buhay.
by: ernesto senga
Ang aking ama ay isang OFW
Isang masipag na manggagawa
Ginagampanan niya bilang isang ama
Siya ang bumubuhay sa’min
Siya ang nagpapadala ng pera sa’min
At pang-gastos n gaming pamilya
Ngunit paano kung ang aking ama Ito’y bumigay, nagkasakit o iniwan kami.
Paano na kami?
Saan kami pupulutin?
Maghhihirap ang aming pamilya?
Hindi na kami makakapag-aral?
Hindi na buo an gaming pamilya?
Ang OFW ay may hangganan din
Sa una sagana sa maraming pera
Sa banding huli kami ay maghihirap
Ngunit hindi namin alam kung may hangganan ba ito
Habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang aming ama.
Huwag hayaang sumobra ang aming gastos
Sa pangaraw-araw na pangpangangailangan
Mag-ipon ng pera at magsumikap magtrabaho
Upang kung sakaling ang hangganan ay dumating
Masaya pa ring mabuhay kasama ang boung pamilya