Lakandula Makisig Blog! controbersyal na blog sa balat ng lupa. (ernestparker)











{Giugno 25, 2009}   CON-ASS p2

Mga mamamayan, dating matapang

huwag tayong matakot sa demonyong namumuno

hayaang ipahayag ang saloobin ng bayan

at nang pag-asa’y makamit na.

Tayong mga mamamayan ay pag-asa

ng lupaing marilag

iwasan o tanggihan ang CON-ASS

sama-sama hanggang sa matapos ang laban.

Kung hindi tayo kikilos agad

ang mga pulitiko ay magpapasasa

sa kapangyarihan at kayamanan

samantala tayo’y naghihirap at nagdudusa.

Huwag nating hayaang matuloy

ang minimithi ng namumuno

ipaglaban natin hanggang sa kahuli-hulihan ng ating hininga.

ITIGIL ANG CON-ASS

magsagawa ng malawakang protesta

pasukin ang kinalalagyan ng namumuno kung kinakailangan

at ipalit ang mabuting pulitiko

magtulungan tayo at magkaisa

upang sa ganuo’y ay hindi tayo magsisi

at wala nang pagdudusahan.

NGAYON NA!



{Marzo 19, 2008}  

mga gustong humingi ng payo. ilagay niyo sa comment.



eccetera